Saturday, July 12, 2008

panibagong araw

busy-busyhan nanaman. traning ulit for the concert. as usual, late nanaman kami ni lola chie sa training. kumusta naman kasi ang pabagu-bagong plans. mga tatlong tao lang naman ata ang nagtext na yung sinabi nila ang final plan daw. at eto pa, kumusta naman din na ung final plans "daw" na tinext nila ay magkakaiba naman. hep hep hurray!!

mamaya maguusap kami, excited ba ako? excited na takot. excited kasi after ng breakup namin, ngayon lang ulit kami maguusap. takot kasi sa tuwing naguusap kami, lumalabas mula sa bibig nya na parang palala ng palala ung sitwashon (sa part nya). pero keribels lang. hindi na nga ako maiyak e, parang naubos na ung luha ko. o baka dahil nga manhid na ako. bahala na si God. let His will be done.

ooooops. tapos na maligo si lola chie. my turn na. and back to elbi nanaman ako.
ngiti-ngiti lang.

Friday, July 11, 2008

mas matatag. mas matibay. mas nagmahal. oo, manhid na ako.

wala na akong maramdaman. alam ko lang mahal ko sha. yun lang. wala na akong maramdaman aside from that. sa tindi ng sakit na nararamdaman ko nitong nakaraang buwan, wala na.. nagising ako kanina na parang sanay na ako na ganun, na nandyan ung sadness. sa sobrang sakit, wala na akong maramdaman ngayon. kaya kahit gano kasakit pa ang mga darating na pangyayari, paguusap o anuman, keri ko na yan. wala na akong iiinda dahil wala na, nasagad na. manhid na manhid na.

ang layo-layo na nya. ang dami kong nababalitaan na magagandang nangyayari sa kanya, sa career nya. masaya ako para sa kanya. tama na muna siguro un ganun. ito nga siguro ung tama, space, like what he said. okay. kesa pilitin ko, baka lalo pang mawala ung katiting na pagasa ko. atsaka baka makasira lang ako. mashado nang maraming nangyayari sa mundo nya, marami na shang iniintindi. sa ngayon, wala pa akong lugar sa buhay nya. kaya dito na lang muna ako, sa isang tabi. maghihintay. aasa at aasa pa rin ako. magmamahal at magmamahal pa rin sa kanya. at least, kung anuman ang kahantungan ng lahat ng ito, alam kong ginawa ko ang lahat ng kaya ko para ipaglaban ang pagmamahal ko.


pagdating ng araw (kung darating man) na kailanganin niya ng kaibigan, girlfriend, o buddy, o kahit ano. nandito lang ako. pwede na mapagtyagaan. magkasya na lang sa kung anong pwede. sakit? wala na ata akong hindi kakayanin (sa ngayon)... wala na akong maramdaman e, wala na bukod sa pagmamahal ko sa kanya.