Wednesday, October 29, 2008

Status: REGULAR!

Regular na ako!! Woooh.. After 5 long months of patience and hardwork, naregular narin ako sa wakas. My probationary days are over. Thank GOD! Sarrrrrap lang eh. Share ko lang. Sabi ng mga officemates ko, swerte ko raw. Kasi maganda timing ng pag-hire sa akin at ng pagiging regular ko. Kasi makukuha ko Bonus ng buo tapos kasama na ako sa annual increase ng salary! Wooooh!! Excited na ako!

Speaking of regular, buti pa ako regular na.. ang menstruation ko, di pa rin. jusme. almost a week na akong nagkakaron ng signs na dadatnan na ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadatnan. hindi pa rin dumadating ang dalaw. pesteng dalaw yan. oo, irregular ang menstruation ko. wag niyo na itanong kung gano ka-irregular, basta irregular. ayun na un.

ah basta this is a happy day!♥ ansarrrrrrrap maging regular.. sana madamay na rin ung menstrual period ko. lol.

Tuesday, October 28, 2008

help! matagal ko na talagang iniisip to.

kung may nakakaalam ng kasagutan, maaari lamang magreply sa post na ito. wag kayo mahiya mag-share ng kaalaman o kahit kuru-kuro lang. kamown, i don’t bite.

bakit nga ba mayroong nakalagay na “L” for left and “R” for right sa mga earphones? para san ba yun? eh parang pareho lang naman ung lumalabas na tunog? matagal ko na talagang tanong to sa sarili ko. highschool pa lang ata ako nung napaisip ako tungkol dito. ayun, hanggang ngayon wala pa ring nangyayari… isa pa rin syang tanong. toink.may scientific explanation ba dun? o baka design lang un? stupid.

kung para san man yun, hindi ko talaga alam. nevertheless, sinusunod ko pa rin un. as in dapat ung may nakalagay na “L” ay sa left at ung may “R” sa right. hehe. kasi naniniwala ako na may reason kung bakit ganun.

goal ko sa buhay na malaman kung bakit may ganun sa earphones. shemes.

Saturday, October 18, 2008

berigud talaga ako.

ako po ay pasaway. may two papers ako due mamayang 3am and 6am at wala pa akong inuumpisahan hanggang ngayon. wala pa ako sa mood. hinihintay ko pa ung mood. pag nandyan na, saka ako gagawa. toink. siguro mga mamaya-maya one hour before deadline darating na rin un. pambihira.

para sa kaalaman ng nagaaksaya ng oras na basahin ang entry na to, ako po kasi ay may sideline. ako ay on-line writer. at ayun nga, gaya ng nabanggit ko, may 2 pending projects ako. project po ay term sa kada paper na i-assign sa akin at sa mga co-writers ko na hindi ko kilala sa kahit anong paraan. =D

Friday, October 17, 2008

mga winner na lines from Iisa Pa Lamang.

Hindi ako fan ng mga tv soaps. Di rin ako palanood talaga ng tv. Pero winner talaga tong Iisa Pa Lamang. Ankulet lang ng mga dialogue e. Winner talaga lalo na si Cherry Pie. Sha talaga ung peborit ko dito e. Epektib na epektib sha as kontrabida.

Repost lang to galing sa site ni Tin.

Read on and enjoy!

*************


SCARLET: Anak ako. Dugo't laman.

CATHERINE: Anak ka lang. Asawa nya 'ko. Lahat ng pag-aari ni Martin, pagaari ko na ngayon.

SCARLET: You're just a gold digger in red!

SCARLET: Damn you!

CATHERINE: Same to you anak.

*************

SCARLET: Huwag kang mag-alala baka pwede mo pang maigapang ito, pwede pakasalan ang judge o piskal para maabswelto ka na naman.... or else ang dating gold-digger... magiging jailbird in orange.

*************

SCARLET TO CATHERINE: Namimiss ko na yung divisorya look mo...

*************

CATHERINE: Sige, maglaro tayo... Agawan ng yaman? Pero kung ako sa iyo, kakabahan ako... dahil ako, sanay sa hirap... Eh ikaw?

*************

CATHERINE: Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo lahat sa kanya. Mata-pobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!

SOPHIA: Don't you dare say bad things about my mother, kumpara sa 'yo. anghel ang ina ko!"

CATHERINE: Anghel na may sungay!

SOPHIA: Oo, may sungay. Para suwagin ka! Para mauna ka na sa impyerno!

CATHERINE: Hmm. Matagal-tagal na kayong inaantay dun. In fact, balita ko, si satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina!

*************

AURA: Panandaliang donya, habang buhay na busabos.

*************

ISADORA: Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!

CATHERINE: Ang bigat naman ng salitang 'yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa'yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!

*************

CATHERINE: Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?

ISADORA: Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!

CATHERINE: Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibebenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.

*************

ISADORA: Ano na namang gimik yan? Santa Claus? Charity work for homeless kids? Ipokrita!

CATHERINE: Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa'yo!

ISADORA: Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha.

*************

CATHERINE: Hay naku Isadora, si Miguel… Kawawa naman si Miguel. Walang kalaban laban kay Rafael. Talo na siya kay Rafael! Kaya kung ako sayo, sumuko ka na. Dahil kung meron mang dapat lamunin ang kumunoy, ikaw yun Isadora. Yun ay kung hindi ka isuka ng kumunoy na sinasabi mo…

ISADORA: Hmmmm… Kagaya ng pagsuka sayo ni Estelle Torralba? Huwag ka ngang feeling Katherine! Dahil hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni Rafael. At kahit si Rafael ang manalong congressman ng Amadesto, sigurado akong hindi ikaw ang mapipiling first lady… Katherine Ramirez, Viuda de dela Rhea... Torralba? Hahaha. ILUSIONADA DE PRIMERA

*************

ISADORA: Hay naku Katherine, wala na akong panahong makipagbalagtasan pa sayo! Tapos na ang linggo ng wika! Di ka ba naabisuhan?”

*************

AURA: Itong duming ito ang pupuwing sa yo

ISADORA: Eh di magshe-shades ako!!!

*************

ISADORA: Walang hiya ka! Bakit mo pinasunog ang ospital?

CATHERINE: Oh eh ano ngayon?

ISADORA: Wala kang karapatan para ipasunog yun. Wala kang karapatan!

CATHERINE: Anong gagawin mo? Kakasuhan mo ako? Pero, papano yun? Paano mo kakasuhan ang may-ari ng ospital. Kasi 90% nun, pamamay-ari ni Martin, na pag-aari ko na ngayon. Anong gagawin kaya ng 10% mo? Ay! Oo nga pala, buo pa yung parking lot. Sige, binibigay ko na sa 'yo.

*************

ISADORA: Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine, sarap mong patayin!

*************

SCARLET: Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black.

SCARLET: Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!

CATHERINE: Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?

SCARLET: Ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi napansin ko, kaya mong mag-biro. Kaya lang ang corny mo! Anyway, gusto ko lang malaman mo na lahat nang 'to, hindi 'to permanente. Lahat nang iyan, babawiin ko iyan sa 'yo!

CATHERINE: Sige! Maglaro tayo, agawan ng yaman! Pero kung ako sa'yo, kakabahan ako, kasi ako sanay sa hirap. Eh ikaw?

*************

SCARLET: Luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!

MIGUEL: Kumain ka na. Gutom lang yan!

*************

ISADORA: Oh aren't you excited to see me?

SCARLET: Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?

ISADORA: Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I'm so witty!

SCARLET: Ano ba talagang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?

ISADORA: Oo, at napaka disenteng monkey business. Politics.

*************

ISADORA: Ba't mo ko sinampal, biyenan mo ko!

SCARLET: Di lahat ng biyenan, pinagbibigyan, Di lahat ng biyenan pinapatulan! para yan sa mga biyenang bakulaw tulad mo!

*************

SCARLET: Tapos ka na sa gold digger in red. Tapos ka na rin sa merry widow in black. Ngayon, baka pwede ka ng dirty mistress in dirty brown.

*************

SCARLET: Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma's a bitch, and so are you…

*************

MIGUEL TO SCARLET: Nakarma ka na, na-outbitch ka pa!

*************

Sa Tagaytay, nasa bath tub c Catherine tapos dumating si Miguel..

CATHERINE: Tell me u want me.

MiGUEL: I want you..

(Magki-kiss na sana cla)

CATHERINE: Im sorry.. I don't want you.. (sabay alis)

*************

SCARLET: baka nambababae ka dun ha...

MIGUEL: ang kulit mo scarlet, hindi nga ako nambababae eh..

SCARLET: bkt, dahil ba enough na ako for you?

MiGUEL: hinde.. dahil babae ang anak natin..

*************

REPORTERS: “Ano ba ang mayroon kay Miguel Castillejos na wala si Enrique Torralba?”

ISADORA: “Cuteness at kabataan...”

*************

ISADORA: “Ano ba? Ba’t hanggang ngayon wala pa ang almusal ko?”

MANANG: “Eh, mam wala na po kaming maluto eh...”

ISADORA: “Anong wala nang mailuluto? Siguro kasi kinain niyo, inubos niyo, noh? Kasi ang tatakaw niyo?”

MANANG: “Mam, hindi po...”

ISADORA: “Naku sige na nga, sige na nga... Umalis na nga kayo sa paningin ko.”

SOPHIA: “Ma, kawawa naman sila manang...”

ISADORA: “Ma, kawawa naman sila manang… Ikaw naman, sinisindak ko lang.”

*************

WOMAN: “Ikaw ba si Isadora Castillejos?”

CATHERINE: “Bakit? Mukha ba akong demonyo?”

*************

ISADORA: Hoy! Pati ba naman basura hahalughugin niyo!

PULIS: Maaring nandito ho ang pumatay kay Rolando Ramirez.

ISADORA: Nandyan? Nandyan sa basura?

ISADORA: "Kakasuhan ko kayo ng harassment, tsaka stupidity! Pati ba naman basura papatulan nyo!?”

*************

ISADORA: Ito pala ang feeling maging hampaslupa. Kaloka!

*************

CATHERINE: How do I look?

SCARLET: You look like a dirty bitch who's about to do her job!

*************

ISADORA: Nitong kapatid ni... ni Lucifer??? Lucifeta!!!

*************

SCARLET: Anong gusto mong palabasin tita, na mas mahusay na presidente si Catherine kesa sa akin!

(Sabay pasok si Catherine)

CATHERINE:Oh yes! Good morning everyone. Scarlet, milya-milya naman talaga ang layo ko sayo, nagdududa ka pa ba?

SCARLET: Hindi mo maaagaw skn ang kumpanya. Sa akin 'to! Sa pamilya ko 'to! Sakin 'to!

CATHERINE: Nakuha ko na eh. Ako na ulit ang bagong nagmamayari ng Dela Rhea foods, ako na ulit ang bagong presidente. Ikaw naman kasi namihasa ka sa kakaabsent mo. Ginawa mong hobby. Yan tuloy malapit ng bumagsak ang kumpanya. Nalusutan tuloy kita, through the back door.

SCARLET: Dyan ka naman magaling eh... Backdoor, backstabbing, backbitting! Palibhasa ayaw mong ipakita yang pagmumukha mo dahil nababahiran na ng putik!

CATHERINE: Bago mo pansinin ang putik sa muka ko, tingnan mo muna yang pusali sa muka mo! Tignan mo, hindi na natatakpan ng mamahaling pabango mo ang nabubulok mong pagkatao! Actually, umaalingasaw na nga eh.

SCARLET: Hindi ako ang naamoy mo kung hindi ang naaagnas na katawan ng papa ko, minumulto ka dahil binababoy mo ang kumpanyang binuo nya!

CATHERINE: Kahit ano pang sbhn mo Scarlet, wala ka nang magagawa kaya umalis alis kana dyan sa trono ko dahil nagbalik na ang tunay na reyna!

*************

SCARLET: Catherine! Catherine, hindi pa tayo tapos. Lalabanan kita. Sinisigurado kong walang kahit na sinong judge ang maniniwala sa 'yo dahil sirang-sira na ang reputasyon mo. You're just a liar. you're just a bitch!

CATHERINE: Bitch?! Ows, Scarlet. Ako, bitch? At least ako, hindi ko kailangan magbayad ng 2 million pesos para lang may makipagdate sa 'kin. Nung una, si Miguel, binili mo. Ngayon naman si Raphael.

SCARLET: Walang hiya ka!

CATHERINE: Mas walang hiya ka!

SCARLET: Homewrecker!

CATHERINE: Adulteress!

SCARLET: Social climber!

CATHERINE: Slut!

SCARLET: Black widow!

CATHERINE: Desperate housewife from hell!

*************

Sa bagong bahay ni Isadora...

ISADORA: Naku mare, mabuti naman at napadaan ka. Alam mo medyo nalulungkot ako eh, namimiss ko kasi si Sophia.

ESTELLE: Mare, ah hindi ako magtatagal. Napadaan lang ako kasi gusto ko sanang kunin yung panyong ipinahiram ko sa 'yo. Alam mo... yung naalala mo nung naglasing ka.

ISADORA: (Nauutal ) Oo mare, of course. Ah kaso bakit mo pa kukunin yon? Nagamit ko na yon. Madumi na yon.

ESTELLE: Ok lang. Palalabhan ko. Napansin ko kasi wala ka na ring washing machine eh.

ISADORA: Ah ah o sige, mare. Hahanapin ko. (Paakyat na sana na ng bintana) Pero um, mare, ah bakit mo pa kukunin eh ang yaman-yaman mo naman. I'm sure, ang dami-dami mong panyo. 'Wag mo nang kunin.

ESTELLE: Eh it's part of a set kasi eh. So um, hindi na magiging kumpleto yon kung wala ang isa. At isa pa, regalo sa 'kin ni Enrique yon. Alam mo na, sentimental reasons lalo na ngayong wala na sya.

ISADORA: Um, o sige, Hahanapin ko na lang muna ha, mare. Pero kung hindi ko naman mahanap, ibibili na lang kita. Yung set of 3, yung 3 for 100. ako pa mismo ang magbuburda ng initials mo.


O dabah. winner.

gusto ko lang mag-blog.

oo, gusto ko lang. pero wala naman talaga akong isusulat na importante o may kabuluhan. wala lang talaga akong magawa at, tinotopak ako. may toyo ako ngayon dahil sa mga dahilang hindi na dapat isulat dito.

naranasan niyo na ba ung ganito? ung gustong gusto mo magblog pero wala ka namang maisulat? puro ganito lang. paikot-ikot lang. sasabihin ko lang na wala akong maisulat kahit gusto ko magsulat. ang galing no.. pwede pala un. di naman matatawag na writer’s block ung ganito diba?

eto… eto… eto…

ah este… ganito ang kalalabasan pag nagsubok kayong sumulat kahit wala naman kayong isusulat talaga. sasayangin niyo lang panahon ng mga taong babasa parang kung pano niyo sinayang panahon nyo sa pagbasa nito.

diba.

Thursday, October 2, 2008

me, da li'l mongoloid ober er.


Putek!
yun na lang nasabi ko nung nakita ko to sa prengster account ng tita ko. shemes. parang mongoloid lang ako dito o. dahil sa picture na to napagtanto ko na bata pa lang pala ako, di na kami magkasundo ng camera. eto ebidensya, pambihira.

this was taken at pampanga when we had our vacation there in 1994 or 1995. im unsure about the year, antagal na kasi nito e. terno pa kami ng kapatid ko. sha ung little guy na kapareho ko ng suot.. haller, terno nga e diba. dati anliliit pa namin o.. ngayon, anlaki na namin. anuraw?

haha, pasensha. nakakasira lang ng bait ichura ko dito. wuhoooooo!!!


Wednesday, October 1, 2008

dahil tapos na ang September...

ang daming nagtatanong kung pwede na raw ba gisingin ang kumanta ng “Wake Me Up When Spetember Ends..”. E tinatanong pa ba un? umaygas, simple english lang o… hehe. kung magsalita ako akala mo hindi ko finorward ung joke na un o. wut da…

At shempre, dahil October 1 na at tapos na nga naman ang September, ang mga tao feel na feel iforward ung joke na un sa text, including yours truly. Harujusko. Forward pa rin ng forward… E diba last September pa ung joke na un? Okay, look who’s talking.

siguro tuwing September, mabubuhay ang joke na yun. seasonal, baga. shempre, alangan namang iforward or ijoke mo un nang hindi October diba. kung iisipin, tuwing October 1 lang okay iforward itong joke na ito kasi… or during the first week of October. Kasi parang wala na ung essence pag lumagpas na ang first week. wala lang, naisip ko lang naman.

so sino nga ba ang kumanta ng Wake Me Up When September Ends? Mahanap nga’t magising. Blah, ankorny.