Pesteng Siomai House yan. I’m talking about the Siomai House sa Victory Mall. Yung stall na nasa tabi ng escalator. Oo, ayoko silang ipinpoint. Shemes na yan.
Iritang irita kami ni Erik kahapon kay ateng malaki ang mata na mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Ganito kasi yung nangyari.
Umorder kami ng 2 siomai. Shempre siomai ung inorder namin kasi siomai house nga eh, no? okay. si ateng nagmamagaling at excellent sa customer service nilagyan agad ng chili ung dalawang siomai without asking kung gusto ba o ayaw namin ng chili. e nagkataon ayoko dahil hindi ako fan ng kaanghangan sa mundo. so i calmly said, “ate ung isa walang chili ha..”. si ate naman mega sagot ng “e nalagyan na po e.” so sabi ko naman, “wala akong pakialam kung nalagyan na, palitan niyo. hindi kasi nagtatanong e”.. char!! shempre hindi ko un sinabi, lols. sabi ko “e ayoko nga po ng meron…” in a very moderate tone. at eto na si ate, naghurumintado na. kala mo sha lang ang tindera ng siomai sa mundo. dabog dito, dabog doon. ismid dito, ismid doon. irap dito, irap doon, buntong hininga rito, buntong hininga roon. shempre ako tinititigan ko lang sha at pinapanood habang sa isip isip ko pinapaslang ko sha ng pinong-pino. haha.
so tahimik lang ako. pagka-serve ng siomai at gulaman, mega singil agad si ate. sabi kay erik “66 po lahat.” si erik naman hindi pinansin kasi hindi naman kami sanay na bayad agad. shempre gusto muna namin kumain. etong si ateng walang konsepto ng pagpapasensha nagsalita ulit. inulit nya kay erik na 66 daw ang babayaran namin. eto na ang nakakagulat na bahagi ng kwento, si erik na super pasenshoso at super bait na hindi basta-bastang nagagalit, nairita kay ate. hindi ko kinaya, hehe. sabi ni erik, “sige, mamaya.. kakain muna kami.” at eto namang si ate na pinaglihi sa toyo tinapik ung nakasabit na sign na pay as you order at sabihan ba naman si erik na “pakibasa nalang po.” si ate o gumaganun? nagaangas ang mokang. at shempre ang erik hindi nagpatalo at lalong nainis. nagbayad ng 100 at nagdemand ng sukli right after. nagkaron pa ng sagutan. hinihingi ni erik ang pangalan ni ate pero ate refused to give out her name. sabi naman ni erik, “bakit ayaw mo sabihin pangalan mo, natatakot ka ba?” at ayun si ate bumangka pa.. sabi ba naman, “bat naman ako matatakot?” hodiba????? antaray!! shemes na yan.
so napikon na ako ng bonggang bongga. hindi ko na kinaya ang pagaangas ni ate. sabi ko, “anong problema mo? diba dapat kasi nagtatanong kayo kung lalagyan ng chili o hindi? bakit ka nakikipagaway samin? tama ba yan? customer kami kaya umayos ka. magbabayad naman kami ha. ayusin niyo customer service niyo ha. nakakairita ka.” at ang ate, hindi sumasagot, at hindi rin makatingin samin. nakayuko sha at tinatarayan ang sahig. peste. kaya cinomplain namin sha.
pambihirang customer service yan. umakyat lahat ng dugo ko sa ulo e, hindi ko sha kinaya.
Ito ung SIOMAI HOUSE sa ground floor ng Victory Mall sa Monumento. Nasa tabi ng escalator. Left side kapag paakyat ka ng escalator. Ang dami na rin palang nagcocomplain about their customer service. Hindi naman sa sinasabi kong wag kayong bibili dun pero parang ganun na rin yon. haha.