i had a terrible morning. ampanget ng gising ko. ganun ata talaga pag nakatulog ka na may something, hanggang panaginip susundan ka. buti na lang come before lunch, things started to get better. i started smiling sa office. i finally showed some enthusiasm sa ginagawa ko. naka-pick up din sa wakas ng energy.
okay. ang loner lang ng dating ko. dahil si Momi Grace ay naka-maternity leave na, nag-adjust kami ng breaktime. so alanganin ung breaktime ko, laging wala akong kasabay kumain. tipong pagdating ko sa canteen, kakaalis lang ng mga tao… as in inaabutan ko madalas ung mga crew na nagliligpit at nagpupunas ng tables. jusko, para akong gumagawa ng mtv tuwing lunchbreak. ang lungkot kumain mag-isa.
overtime. yes, nagpapalaki ako ng salary. umoovertime lang. hehe. i need to recover from my saksakan-ako-ng-malas-experience last payday. i stayed at the office until around 6:30. went home with ate ayen (our AOTL). of course, as usual, anhirap sumakay ng jeep. we waited for around 20 minutes before we were able to get a ride. ayun, pag-akyat namin sa jeep parang napaisip na kami agad na mag-back out. naman! ang asim ng amoy sa loob ng jeep. nakasara pa halos lahat ng bintana. umaygas talaga. grabe. at eto pa ang mas masaya.. ang traffic! shemes.
sa wakas, nakauwi rin ng bahay. pagdating at hanggang ngayon, nakaupo lang ako dito sa harap ng pc. inuugat nanaman. friendster dito, multiply doon. message dito, sagot doon. tapos bukas, ganun lang ulit.
anyone familiar with Paulo Coelho’s Veronika Decides to Die?
No comments:
Post a Comment