Monday, November 10, 2008

oh yeah.. i survived!

After being sick for a week, finally, nakapasok na ako sa office! :)

I felt kinda dizzy kanina, which i think is normal dahil sa ubo, but i made it. naka-survive ako today. hindi ako pinauwi or what. hephep hurray!

Before ako nagduty sa office, nagpunta muna ako sa company clinic para magpa-check up ulit. Sila kasi ung magdedecide kung pwede na ako bumalik sa work after my sick leave. Nung una, medyo reluctant pa ung nurse na iduty ako pero pinilit ko sha kasi gusto ko na pumasok and feeling ko naman okay na talaga ako.. kaya ko na. so ayun, na-convince ko naman sha. :) thank God hindi ganun karami ung mga customer kanina kaya di naman ako natagtag sa work. Buti na lang talaga.

Kaya naman kanina, it was official… back to normal na ulit ung buhay ko. :)

super effective kasi ung medicine ko e. ♥ if you know what i mean ;)

I can do this!

i wrote a list of the things that i’d like to do… things i’d like to change… things i’d like to achieve… and so on. i’ve been doing this for years already and believe me, laging updated ang list kong un NGUNIT-PERO-SUBALIT-DATAPWAT, usually hanggang list lang sha. in short, puro porma lang ako.

just a couple of hours ago, i’ve once again updated my so-called life’s master list. but now, i promise to myself that it’s gonna be different. i’ll see to it na mangyayari ung mga nilagay ko sa list. hopefully, in two years time, ma-clear out ko na ung list na un. yep, two years ang binibigay kong allowance sa sarili ko kasi pinaghalong long term and short term goals ung mga sinulat ko dun e.

i feel positive about this right now. nakakaramdam kasi ako ng kakaibang DRIVE e kaya feeling ko i’ll make it this time.

i think it’s about time that i believe in myself.

I CAN DO THIS. Aja!

Wednesday, November 5, 2008

chopsuey.

TOPIC 1: OBAMA.I was chatting with a friend on ym kaninang umaga. I told him na feeling ko mananalo si Obama and I was right. Hindi ako mashado interested sa US Presidential Elections.. medyo inaatake lang ng apathy. toink. But naiintriga rin ako kahit pano kung pano sasaluhin ng next US president ang lahat ng problema na iniwan ni Bush. Ano kaya ang magiging strat plan ni Obama?

TOPIC 2: AUDITION. May neutral ba na news? I mean, usually kasi diba the news is either good or bad. Pero etong ibabalita ko sa inyo ay neutral lang. hindi ko sha nakikitang good at hindi ko rin sha nakikitang bad. kani-kanina lang, nag-decide na ako na di na lang tumuloy. i know i’ve been mentioning in some of my entries na i’m hungry for changes and blah-blah-blah… pero pass muna ako dito.

nabanggit ko na sa previous entry ko na nagkasakit ako. kaninang hapon lang ako medyo umokay-okay. and i’m afraid na baka pag tumuloy ako sa audition, ma-pwersa ako and mabinat. i don’t want to risk it. maaapektuhan ang trabaho ko and i don’t want that to happen. and maybe, niloob ni God na magkasakit ako because He wanna tell me na hindi muna ako pwede sa mga ganun ngayon. baka di talaga para sakin ung opportunity.

So eto ako, kaka-recover lang at wala pa ring magbabago sa buhay ko. but i’m okay with that… SA NGAYON. mas okay na ako sa ganito kesa i-risk ko ang health ko. siguro naman may darating pang ibang opportunities. sana… sana… sana… sabi nga, if God closes a door, He opens a window. i’ll just take that saying to my comfort.

TOPIC 3: ANXIETY. Kanina pa ako naaburido dito sa bahay. Lam niyo ung feeling na parang super bored ka… i tried to watch dvd’s pero di ako nasayahan. i tried to blog pero wala ako sa mood. i tried to play with the dogs but i felt too lazy to do it. i tried to read a book pero di ako nagalak. i tried to edit some videos but i was too impatient to explore the software. waaaaaah. naghahanap ako ng gagawin pero hindi ako makuntento dun sa mga naisip kong gawin.. sa mga usual ko nang ginagawa. kaya, i just did what i do best - i slept. pero pagkagising ko, ganun pa rin. wut da! sobrang nainis talaga ako sa nararamdaman kong pagka-aburido tapos naiyak na lang ako. weird, i know. hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako… siguro nga dahil sobrang naaaburido na ako. as in umiyak talaga ako, ung iyak na ngawa talaga at hindi lang luha-luha. oo, para lang akong tanga kanina. so what i did, i called erik… ayun, the whole time na magkausap kami umiiyak lang ako. and he was like, “o ano nangyari sayo???” at puro “ewan” lang ang sagot ko sa kanya habang umiiyak. tapos nilalambing nya lang ako sa phone at cinocomfort, which i must say was super effective. after our conversation, umiyak parin ako siguro for about 5 to 10 minutes. tapos, dumating na si momi kaya i was forced to calm myself down. when my mom asked why i was crying, sabi ko lang “nadulas kasi ako sa cr.” how lame was that. duh. ngayon, okay-okay naman na… gumaan ung pakiramdam ko.

TOPIC 4: WORK. excited na ako pumasok bukas. namiss ko ung mga officemates kong kwela. at kahit pano namiss ko rin ang pakikipagusap sa mga customers. i missed my job. feeling ko ang tagal-tagal kong nawala. at dahil okay na ang pakiramdam ko, papasok na ako bukas. medyo nag-aalalay lang ako sa apetite ko ngayon kasi pag kumakain ako, sinusuka ko rin e. kaya rin siguro nahirapan ako mag-regain ng strength. hopefully, soon mawala na rin un at magbalik ung talagang apetite ko. tomorrow, back to normal na ulit ang buhay ko… YEY!

ano ba ito.

mamamatay na ata ako. okay, oa.

been sick since Sunday afternoon. nag-umpisa lang sa sipon tapos ubo tapos the next thing i know, nilalagnat na ako at pinapainom na ng sangkaterbang gamot at vitamins. buti na lang magaling yung mga nag-alaga sa akin. ♥

since may sakit ako, di ako nakapasok for two days. dapat kanina papasok na ako kaya lang i woke up vomiting. wut da.. i'm scared. baka dahil sa kakaubo? hindi rin e.. hindi sha ung type ng suka na natrigger ng ubo. as in nasuka lang talaga ako. hanubayan.

i really need to get back to work na. marami raw tao sa office dahil nagstart na ang Meter Deposit Refund ng Meralco. kelangan ko na makapasok dahil magaavail din kami ng refund, lol. kitams, ngayon naman okay-okay na ako though kagabi at kanina may sinat-sinat pa ako. gaaaaad, what's this. nakakahiya, kakaregular ko lang tapos nag-sickleave ako agad. i mean, yeah, hindi naman maiiwasan ung mga ganitong pagkakataon pero shemps nakakahiya pa rin.

i need to get well na. lalo na BUKAS. tomorrow's the day. 59th Monthsary namin ni Erik at .... (secret).