Wednesday, November 5, 2008

chopsuey.

TOPIC 1: OBAMA.I was chatting with a friend on ym kaninang umaga. I told him na feeling ko mananalo si Obama and I was right. Hindi ako mashado interested sa US Presidential Elections.. medyo inaatake lang ng apathy. toink. But naiintriga rin ako kahit pano kung pano sasaluhin ng next US president ang lahat ng problema na iniwan ni Bush. Ano kaya ang magiging strat plan ni Obama?

TOPIC 2: AUDITION. May neutral ba na news? I mean, usually kasi diba the news is either good or bad. Pero etong ibabalita ko sa inyo ay neutral lang. hindi ko sha nakikitang good at hindi ko rin sha nakikitang bad. kani-kanina lang, nag-decide na ako na di na lang tumuloy. i know i’ve been mentioning in some of my entries na i’m hungry for changes and blah-blah-blah… pero pass muna ako dito.

nabanggit ko na sa previous entry ko na nagkasakit ako. kaninang hapon lang ako medyo umokay-okay. and i’m afraid na baka pag tumuloy ako sa audition, ma-pwersa ako and mabinat. i don’t want to risk it. maaapektuhan ang trabaho ko and i don’t want that to happen. and maybe, niloob ni God na magkasakit ako because He wanna tell me na hindi muna ako pwede sa mga ganun ngayon. baka di talaga para sakin ung opportunity.

So eto ako, kaka-recover lang at wala pa ring magbabago sa buhay ko. but i’m okay with that… SA NGAYON. mas okay na ako sa ganito kesa i-risk ko ang health ko. siguro naman may darating pang ibang opportunities. sana… sana… sana… sabi nga, if God closes a door, He opens a window. i’ll just take that saying to my comfort.

TOPIC 3: ANXIETY. Kanina pa ako naaburido dito sa bahay. Lam niyo ung feeling na parang super bored ka… i tried to watch dvd’s pero di ako nasayahan. i tried to blog pero wala ako sa mood. i tried to play with the dogs but i felt too lazy to do it. i tried to read a book pero di ako nagalak. i tried to edit some videos but i was too impatient to explore the software. waaaaaah. naghahanap ako ng gagawin pero hindi ako makuntento dun sa mga naisip kong gawin.. sa mga usual ko nang ginagawa. kaya, i just did what i do best - i slept. pero pagkagising ko, ganun pa rin. wut da! sobrang nainis talaga ako sa nararamdaman kong pagka-aburido tapos naiyak na lang ako. weird, i know. hindi ko alam kung bakit pero naiyak ako… siguro nga dahil sobrang naaaburido na ako. as in umiyak talaga ako, ung iyak na ngawa talaga at hindi lang luha-luha. oo, para lang akong tanga kanina. so what i did, i called erik… ayun, the whole time na magkausap kami umiiyak lang ako. and he was like, “o ano nangyari sayo???” at puro “ewan” lang ang sagot ko sa kanya habang umiiyak. tapos nilalambing nya lang ako sa phone at cinocomfort, which i must say was super effective. after our conversation, umiyak parin ako siguro for about 5 to 10 minutes. tapos, dumating na si momi kaya i was forced to calm myself down. when my mom asked why i was crying, sabi ko lang “nadulas kasi ako sa cr.” how lame was that. duh. ngayon, okay-okay naman na… gumaan ung pakiramdam ko.

TOPIC 4: WORK. excited na ako pumasok bukas. namiss ko ung mga officemates kong kwela. at kahit pano namiss ko rin ang pakikipagusap sa mga customers. i missed my job. feeling ko ang tagal-tagal kong nawala. at dahil okay na ang pakiramdam ko, papasok na ako bukas. medyo nag-aalalay lang ako sa apetite ko ngayon kasi pag kumakain ako, sinusuka ko rin e. kaya rin siguro nahirapan ako mag-regain ng strength. hopefully, soon mawala na rin un at magbalik ung talagang apetite ko. tomorrow, back to normal na ulit ang buhay ko… YEY!

No comments: