Monday, August 7, 2017

Sulat kay crush

Dear Crush,

Mula dati pa, as in like mga 2008 or 2009 pa, napapansin na kita sa Multiply. Hindi ka pa ganun ka-visible sa dance community noon. Hindi ka pa ganun kagaling. Tapos ako naman member pa ako nun ng isang all-girl dance group. Since yung mga ka-group ko kaibigan yung ex mo na girlfriend mo pa that time, eventually naging magkaibigan din kami. To simply put, crush na kita talaga noon pa lang. Kaso taken ka at ako naman fresh from a 6-year relationship. Sad.

Ngayon, single nanaman ako tapos bigla nanaman kitang nakita online dahil sikat na choreographer ka na ngayon. Ayun, parang nagbalik lahat. Kilig na kilig ako pag napapanood ko yung mga sayaw mo. Kilig na kilig ako marinig yung boses mo sa IG stories. Yung tipong "Kaibigan" lang yung sinabi mo pero ang laki na ng ngiti ko. Pa-like like lang ako sa posts mo sa FB. Pinusuan ko pa nga yung profile pic mo. Pero sa dami ng reactions sa photo mo, alam kong suntok sa buwan ang isiping mapapansin mo ako. Kahit i-mention kita sa IG stories ko, di mo man lang ata napansin yung notif ng IG kaya di mo rin navuview or baka talagang ayaw mo. Nung nilabas mo sa twitter yung video mo kasama ang group nyo, shinare ko pa yun and may papansin na blurb pa na kasama yun pero waley pa rin. Kahit i-like di mo ginawa siguro kasi di mo na napapansin sa dami ng notifs na natatanggap mo sa Twitter. One time I even tried to reply sa IG story mo about your class pero ni-seen zone, wala. Sa dami ba naman kasi ng babaeng may gusto at nagbibigay ng attention sayo, pano mo nga ba naman ako mapapansin. Dadaan lang sayo ang notifs mula sa activities ko online na related sayo. Huhu.

Grabe! Nung first leg ng send off concert ng Alliance, ang lapit lapit ko lang sa pwesto nyo. Nasa taas tayo pareho and I was just three freakin' rows away. Sumisimple ako ng lingon sa pwesto nyo. Nakita ko busy ka sa cellphone mo. Siguro tinitingnan mo yung IG account ko, ano? CHAROT! Sa sobrang kilig ko, tinweet ko pa yung mga friends ko na may gusto rin sayo. Sabi ko ang lapit ko sa pwesto nyo. Abot kamay ang pangarap, ganern. OA, I know. Grabe, para akong highschool girl na may crush na upper class man. Seryoso.

Hay!! One day, magkakalakas ako ng loob na umattend sa class mo. And I'll make sure na mapapansin mo ako. Di mo man ako magustuhan, at least malaman mo na nag-eexist si acoe. Handa akong ma-friendzone kung yun lang yung way para maging parte ng buhay mo. Anuraaaaaw. Partida crush pa lang kita nyan, pano pa pag minahal kita. BOOOOOOM!

For now, makukuntento nalang muna ako sa panonood ng mga vids mo and sa pag-like ng tweets mo. Dito muna ako sa isang tabi at pupusuan ang mga FB posts mo. Pa-tweet tweet at pablog-blog about you. And sana one day, kapag nagmeet tayo, single parin tayo pareho and sana mapansin mo ang beauty ko. LOL!

(Siincerely) YOURS,
Zen

No comments: