Thursday, May 1, 2008

hopeful.

Nakaka-stress na nakaka-excite na nakakapagod (..at nakaka-nosebleed) mag-job hunting. Right after ng job fair lagi na akong naka-abang sa mga tawag ng companies. Oo, assuming ako na tatawagan nila ako. Haha. In fairness naman sa pagfifeeling ko, tumawag naman talaga sila.

Imagine, in a span of two weeks, bigla experienced na ako sa mga interviews at bugbog na ako sa exams. For example kanina, I went to Meralco for an interview and additional screenings "daw". Wala akong idea sa kung anu-ano ung additional screenings na tinutukoy nung nagtext sa akin. Pero pagpunta ko dun, ito ang nangyari:

I arrived at 8am kasi un ang schedule ko. Pinasagutan kami ng 2 essay questions then right after that, kinuha ung height and weight ko then derecho na sa interview na nag-last lang for 5 minutes ata o mga 7 minutes. Tapos binigyan ako ni Miss HR ng slip at ininstruct niya ako na pumunta sa may POEA, may testing center dun. Ipakita ko raw ung slip na binigay niya.

So, since malapit lang, nagtaxi ako. Wala pang 15 minutes nandun na ako. Jusme, sakto lang ung paghalungkat ko sa bag para hanapin ung coin purse ko kasi pagkahanap ko, nandun na ako sa parking lot ng building nung testing center. So nagstart ako magtake ng exam at 9:45 am. Yung una ko inansweran ay about verbal, numerical, and abstract reasoning. Tapos, may binigay sa akin na test about emotions and reactions. Tapos akala ko yun na at pwede na umuwi. But NO. Sabi nung proctor, be back at 1pm daw. Edi kumain muna ako sa Galle. I went back at exactly 1pm. At dun pagkaupo ko, binigyan ako ni Ginoong proctor ng lima ata o anim na booklet na sagutan ko raw. At eto pa, may blank sheet of paper para raw sa autobiography. Ang haggard. Sana pala di ako naglunch kasi ugali ko nang antukin after kumain lalo pa yun, siesta. Haha. At around 3:15 natapos din ako sa wakas.

Nakakapagod talaga pero sana, as in sana, makapasa ako sa Meralco. Maganda kasi ang benefits dun. Sana okay. Ilang beses ko na itong sinasabi sa mga entry ko pero uulitin ko, "wish me luck".

Sa Friday, meron nanaman ako interview. Sana naman sa dami ng interviews na pinuntahan ko, eh kahit dalawa dun eh ma-hire ako. Haha.

May puntahan sana ang pagod ko. :)