If there will be a sport like that, then I'd be an athlete now. Haha. I don't know kung anong meron kagabi at bakit nakapasok ang mga flying ipis na yan sa loob ng bahay namin. Hay! ung mga ipis na gumagapang lang, that I can tolerate. Pero ung lumilipad.. YIKES!
But know what, God is soo good. Kasi kahit na takot na takot ako sa ipis, binigyan naman nya ako ng enough ability to sense kung may ipis sa paligid ko. For real. Basta makaamoy ako, alam ko na na meron. Tapos matalas ang mata ko pag sa ipis. Well, siguro human instinct talaga un.. na maging super alert ka para makaiwas sa pinaka-kinatatakutan mo.
Since childhood, takot na talaga ako sa ipis. Hindi ako takot sa daga.. nag-alaga pa nga ako ng bubwit dati e. :D Hindi rin ako takot sa iba pang peste sa bahay.. sa ipis lang talaga. At feeling ko super lumalala ung takot ko sa ipis. Ilang beses na ako muntik madisgrasya makaiwas/makalayo lang sa ipis. Kadiri kasi at ang iscurry ng kanilang ichura. parang nakatitig sayo though sabi ni Erik, hindi naman daw un ung talagang mata ng ipis.
Hay.. pano ba mawawala ung takot ko sa ipis? Natatawa nga ako kasi pag halimbawa itry ko magpatay ng ipis.. shempre unti-unti akong lalapit. At right after ko paluin ng slippers, magsisigaw ako at tatakbo palayo. O sige, tawa pa! Huhu. Hindi talaga ako natatahimik pag alam kong may ipis na malapit sa akin at nakatago lang. Pag nga nakakakita ako ng ipis, tinitinginan ko talaga mabuti at binabantayan kung san na sha napupunta e. Kasi oras na mawala sha sa paningin ko, mapaparanoid na ako. Mukha lang akong tanga, hehe.
Buti na lang ang galing ko umilag at alisto ako kagabi. Whew! para akong nag-exercise. :D
No comments:
Post a Comment