Sunday, April 12, 2009

MMK: "Chalkdust" =P

Naalala ko lang bigla ang isang kahindik-hindik na pangyayari na naganap nung bata pa ako. Tandang tanda ko pa nun, 8 years olad ako, naglalaro kami ng pinsan ko ng dart. Shempre dahil bata batuta pa ako nun, sha ung nagdadart at ako naman ung taga-kuha ng dart. Akala ko ganun talaga konsepto ng larong un.. 2 players tapos yung isa ang titira at yung isa ang taga-kuha. Hehe. Sa isip-isip ko pa nun, ang cool ko naman kako kasi nakakalaro na ako ng mga ganung laro sa murang edad kong un. Yun naman pala, inuuto lang ako ng damuho kong pinsan. Bleh! So much for the intro.

So yun nga, ako ang taga-kuha. Tumutuntong ako sa isang upuan para maabot ung mga arrow. Hanggang sa may nangyaring hindi ko inaasahan. Nabitawan ko ung mga panira at ung isa, nalaglag sa paa ko. A view from the top... ehem, ehem... Ang dart piece o arrow o kung anuman ang tamang tawag dun ay nakatayo at nakatusok sa maliit kong paa. Huwaw! Ang morbid talaga. At ang pinsan kong damuho, hindi malaman ang gagawin. Nakatitig lang at mukhang na-amuse pa ata sa nakatusok sa paa ko. Hindi ko malaman nung mga panahon na un kung ano ang uunahin kong gawin... kung ang pagsigaw ba o ang pag-ngawa. Wut da... How do you expect an 8-year old girl to react?

Buti nalang nandun ang kapatid ng pinsan kong damuho. Sa madaling salita, pinsan ko rin. Nursing student pa lang sha nung mga panahong yun. Ang sabi ni pinsang nurse, "hingang malalim ha...". Paghinga ko, naramdaman ko na binunot nya ung nakatusok sa paa ko kaya nagulat ako. Sa halip na makapag-exhale ako ng matiwasay, nasamid ako. At kitang kita ko na habang umuubo ako, ay dugo naman ng dugo ang sugat ko. Maliit na butas pero dugo ng dugo. Hindi ko mapigil na hindi umubo kaya di rin basta mapahinto ang dugo. Shemes. Buti na lang ang pinsan kong nursing student ay alisto at hinablot ang basahan na pambura ng blackboard na pinagsusulatan ng score. Berigud lang diba. At least huminto ang pagdugo at sabihin na lang natin na swerte ako na hindi nagkaron ng anumang infection ung sugat kahit na nagmistulang Penicillin ang chalkdust sa sugat ko. Hehe.

At dyan po nagtatapos ang aking mumunting kwento.

Bow.

__________________________________________________

PS. di ko alam kung bakit pero bigla ko lang talagang naalala yan kanina.=P

No comments: