Gusto ko umeskapo. Natuturete na isip ko sa dami ng mga problemang iniintindi ko. Minsan napapaisip ako, pag ba tiningnan ako ng tao, katanggap-tanggap pa kaya sa perspesyon nila kung malaman nila na bente-uno pa lang ako? O magtataka na sila at magugulat na ganun lang ang edad ko? Effective ba ang stresstabs?
Minsan ang sarap na lang mag-wala, magsisigaw, at magtapon ng gamit. Yung tipong one time big time na pagwawala, yung nakakahingal, yung nakakaiyak, yung nakakagigil, yung nakakaubos ng energy. Ang sarap siguro nun noh? Yung may sandaling panahon na wala kang lakas kaya may excuse ka na huminga ng maluwag at humiga sa kama nang walang iniisip habang yung katawan at isip mo nagiipon ng energy dahil alam mo sa sarili mo na ilang sandali lang ay magiisip ka nanaman ng solusyon sa problemang kinakaharap mo. Nakakabusog. Nakakauta. Nakakasawa.
Pwede bang umeskapo na lang? Lalayas, magpapakalayo-layo, magtatago, hindi magpaparamdam... okay ba yung ganon? Kahit isang araw lang... isang araw na wala akong iisipin, walang iintindihin... isang araw na hindi ako makakaramdam ng galit, hindi ako iiyak, hindi mangangalumbaba, hindi magkukunot ng noo... isang araw na pwede akong ngumiti, pwedeng tumawa, pwedeng humalakhak kasi ganun talaga yung nararamdamam ko. Yung tawa na walang pinagtatakpan, tawang tunay, tawang totoo. Nakakamiss lang eh.
No comments:
Post a Comment