This blog entry was originally posted on my Multiply account last April 26. I just thought that this is so funny that you might actually want to check this out. :)
Nandito ako nakaupo sa harap ng pc. I'm busy vegetating here, obviously. Nandito rin sa bahay yung nagpaplancha ng mga damit namin and kasama niya yung anak niya na three years old. Habang busy-busyhan ako dito, natatawa ako. as in natatawa ako. Here's why...
KID: alam mo, ayaw ko maging anak mo.
MOM: bakit?
KID: kasi pinapalo mo ko.
MOM: bakit? may ginagawa ka bang matino?
(KID PAUSED FOR AWHILE)
KID: Salamat po sa pag-aalaga mo nanay. Kasi pinapalo mo ako, mahal mo ako.
MOM: Che!
*** TOINK!! haha.. nakakatawa talaga. And the eavesdropping continues. =p
KID: Hahahaha!
MOM: Anong nakakatawa?
KID: Basta.
MOM: Sige asarin mo lang ako. Ikkwento ko talaga kay ate zen na umihi ka sa banig.
KID: Hahahaha!
MOM: Sasapakin kita.
KID: Gawa.
(INAKMAAN SIGURO NA SASAPAKIN)
di ako sure eh. again, i was eavesdropping.
hindi ko po sila napapanood.
KID: Aray!! Aray!!
MOM: O takot ka naman.
KID: Gawa pa!
MOM: Naku di ka talaga nauubusan ng kagaguhan.
- 30 -
Haha. Kumusta naman kasi yung bata, sa edad na three may talent na sa pang-aasar. I always believed na ang mga batang ganito ay matalino. Hehe. Diba? I mean, sign yun, na matalino yung bata.
I've a cousin. Her name is Angelan. Ganyan din siya, "bibba". Pero di naman siya gaya ng anak ng namamalancha dito sa amin. Angelan, at age three, can play pranks na. Hehe. I remember nung nag-Tagaytay kami, buhat buhat ko siya while watching our cousins sa pagpapalipad ng saranggola. Tapos tinuturuan ko siya.
ME: Gelan, sabihin mo saranggola.. Sa...
GELAN: sa...
ME: rang...
GELAN: rang...
ME: go...
GELAN: go...
ME: la...
GELAN: la...
ME: saranggola!
GELAN: AYOKO!
*** TOINK ulit!!=p Di lang siya sa ganyan magaling. Yung ate niya na eight years old, kaya niya paiyakin. Kakaiba kasi humirit yun eh. Kebata-bata pa, bully na!=p ohwell, iyakin din naman kasi talaga yung ate niya eh, haha!! pero grabe.. if you could only hear her, you'd know what i'm trying to talk about.
darn, i love kids!
No comments:
Post a Comment