Friday, November 23, 2007

lesson to be learned

..Nino? Secret. Just keep on reading.

To person number one:
Kung gusto mo talaga makipagkaibigan, dapat marunong ka mag-reciprocate ng efforts nung tao. Hindi yung puro ka lang salita. Kawawa naman kasi yung isa, siya lang ng siya ang nagri-reach out sa iyo. I don't want to be judgmental pero the way I see this, parang ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Kung di ka itetext, di ka magtetext... kadalasan nga hindi ka pa magrereply. Kung hindi ka tawagan, hindi ka makakausap. Kung hindi ka lapitan, hindi ka rin lalapit. Busy ka bang talaga? Ibahin mo sistema mo boi. Sayo na rin nanggaling na based from your very own experience, it didn't do anything good for you, diba? So bakit gagawin mo pa?

To person number two:
Ikaw naman [you know who you are]... kung nafi-feel mo naman na ikaw lang ng ikaw ang nag-eexert ng effort, siguro dapat napapaisip ka na and dapat din you start to ask yourself the big question "WHY?". Betteryet, talk to the person to clear things out. Yun ay kung malakas ang loob mo. Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi naman "ata" willing makipag-friends sayo. Iwasan na mabansagan na FC [feeling close] Wag todo baba ng pride. Minsan dapat may tinitira ka para sa sarili mo. You have so many friends in your life so why focus with just one? If s/he doesn't want you to be one of his/her friends, edi wag. Ikamamatay mo ba? Pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan. Remember that.

Bakit ba kasi ganito, sadyang may mga taong paimportante at nagpupumilit.

Talk.

No comments: