Sunday, November 25, 2007

s.c.a.r.y.s.t.o.r.y.

Freaky coincidence.

It was around 7pm when this happened. I was walking back and forth in the church's parking lot while waiting for my mom. It was kinda dark and there's nobody around. Then I received a text from one of my old friends [hi osang!].

This was the content:
A TRUE SCARY STORY

May isang mag-syota na kasali sa isang mountaineering group. Isang araw habang nasa camping ang grupo ay kinailangan ng babae na maiwan sa base camp dahil sa slight injury sa katawan. Batuloy ang grupo sa pag-akyat kasama ng kanyang bf at naiwan siyang mag-isa.

Umabot ng limang araw bago nakabalik ang grupo at laking pagtataka ng babae na hindi kasama ang bf niya.Tinanong niya ang mga kasama kung nasaan ang lalaki at ang tanging sagot lang nila, "Nagkaron ng landslide sa taas. Natabunan siya at hindi nakaligtas."

Hindi matanggap ng babae ang balita. Nang gabing natutulog na ang lahat sa base camp, parang may nag-udyok sa kanyang lumabas at maglakad-lakad. Sa paglalakad, laking gulat niya ng makita niya ang kanyang bf na gumagapang at puno ng lupa ang katawan at sinabing, "Buti nakita kita. Nagkaron ng landslide sa taas. Ako lang ang nakaligtas."

Ang tanong: Kanino siya dapat maniwala?

-30-

Given the place and the availability of lighting when I received that message, I guess it's normal to freak out. Right? Because I did... big time! Muntik nang matanggal yung balahibo ko sa tindi ng goosebumps ko kanina. It really was a freaky coincidence. Until now, nag-gugoosebumps pa rin ako pag naaalala ko.

No comments: